Tuesday, December 3, 2013

Isang leksyon sa lengguahe



Ako Po ay isang ordinaryong Pilipino.

KAGAYA po ng karamihan sa atin, ako po ay KAPAMILYA, KAPUSO, KAPATID, KAKAMPI, KATOTO, KARANCHO, KAKOSA, KATRIBU, KAKLASE, KAPITBAHAY, KASAMBAHAY, KALOKA at KALOKA-ALIKE.

KARANIWAN lang po ang aking Kaligayahan – Kakanin, Kantyawan, at Karaoke.

NGUNIT sa Ngayon, hindi po ako Natutuwa. Hindi ko po Nagugustuhan ang mga Nalalaman ko sa ating mga Namumuno.

NANGGIGIGIL, Ninenerbyos, at Nanggagalaiti sa galit ang mga Nunal ng aking Noo!
 
MARYOSEP! Mukhang ang mga Mamamayan ay Matagal ng Minomolestya at Minamaniobra ng mga Mandarambong na Mambabatas na ang Misyon lamang dapat ay Magpasa ng mga Makabuluhang batas para Maayos ang Mamuhay at Mangalakal sa ating bayan.

Mga HINAYUPAK na yan, Hindi pala sila Handa sa Hamon ng mga tao na mag silbi, ang gusto pala nila ay Humakot sa kaban ng bayan. Hanep ang pagka Haragan ng mga Hunghang!

IMBES na tayo ay Itaguyod at Ipaglaban, tayo ay Inaabuso, Iniinsulto at Inaagrabyado!

TAYO ay Tinarantado. Wala silang Tinira at Talagang Tinodo ang kanilang Take home.  

PDAF ang Pangunahing Paraan para tayo ay Pagsamantalahan. PDAF ang Pinagdiskitahan. PDAF ang Pinanggigilan. Palibhasa nasa Poder nila ang PDAF...  Pero Para sa kanila ba yon?  P@#$^*ina naman!

LINTEK na mga Linta na yan! Bukod sa Lagay, gusto pa nila tayo Lokohin ng Lokohin, at Linlangin ng Linlangin.

Mga Senador na Salamangkero at Swapang!

Mga Kongresista na Karumaldumal ang Kakapalan ng Kartada!

Mga Gobernador na Ganid!

Mga Mayor na Manggagantso!

Mga Kalihim at Kawani na Karimarimarim at Kaltas ng Kaltas!

Mga nasa Paligid ng Presidente na Puro Perwisyo at Palpak ang Pangangatwiran.

Pati na rin yang Bise Presidente na may Balak na Bulok!

Saan ba Dinadampot ng mga Damuhong yan ang Determinasyon at Dedikasyon upang tayo ay Demonyohin?

PAANO na ang PILIPINAS?

BINABAGYO, Binabaha, Binabayo na nga, Binalasubas, Binraso, at Binaboy pa ng Pork Barrel! Tayo ay Binastos sa paggawa ng mga Bagay na Baluktot… Bwiset!!!

GINAGO tayo ng Garapalan…

EPAL pa ng Epal…

AT ASAR na Asar na AKO!

Sana Sila ay Sumaimpyerno at Sumailalim na kay Satanas.

Dahil wala silang Respeto sa ating Republika…

Sa aking pagtatapos, ako ay Umaasa pa rin na tayo ay magkakaroon ng Umagang kay ganda. Ito ay magaganap kung gagamitin natin an gating Utak at kung Uunahin natin ang ating Bayan at kapwa bago ang ating sarili …

‘YAAN nyo,  Yuyuko din ang lahat ng kumamal ng ilegal na Yaman.

Wawakasan at Wawasakin din ang pag Walanghiya sa atin.

Tatapusin din yan. Kundi man ng TAO,  ng TADHANA...

No comments:

Post a Comment